Content

Saturday, October 13, 2012

Laruang Katutubo


Laruang Katutubo. Hindi katulad ng mga pangkaraniwang laruan na nagbibigay kaligayahan sa mga kabataan; ang laruang ito ay nagpapakita rin ng katangiang taglay nating mga Pilipino.  Para ito'y gamitin, kailangang hawakan ang tangkay nito at iikot ng dahan-dahan na parang bumubuo ng ipu-ipo. Sa pamamagitan nito, gagalaw ang mga kahoy na manok na nagmimistulang tumutuka ng kanilang hahainin. Sinisimbolo nito ang ating pagiging masipag, matiyaga at matulungin sa bawat kapwa. Ang sabay-sabay na pagtuka ng mga manok na ito ay nagpapakita ng pag-bayanihan nating mga Pilipino sa pagtaguyod na makalagpas sa mga unos na ating hinaharap.

Tunay na malikhain ang mga Pilipino. Maituturing nating isang kayamanan ang mga laruang ito, hindi dahil lamang sa bihira na natin itong makita sa siyudad, kundi dahil sa simbolong taglay ng ating pagiging isang Pilipino.

============================================

Ang larawang ito ay kinuha sa isang tindahan sa Banaue, Ifugao noong Disyembre 2009 at isang kalahok sa darating na Saranggola Blog Awards 2012


Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket

10 comments:

  1. ayun oh may post na siya for sba... goodluck master b...

    ReplyDelete
  2. ayos ang lahok na ito.

    Ngayon ko lang nalaman na meron pala tayo nito sa Pinas at matapos tignan at basahin ang nakasulat para sa larawan nakakainganyong bumili at magkaroon ng larawan na ganyan; isa ito sa larawang gustong unang malaro ng aking mga magiging supling

    ReplyDelete
  3. Sa totoo lang pagdating sa laruan malikhain at masining ang mga Pinoy lalo na pag gawang kahoy.

    ito ang isa sa hinahanap ko pag may travel. yung mukhang laruan.

    ReplyDelete
  4. good luck. di pa ko nakakita ng ganitong laruan. nice.

    ReplyDelete
  5. wow. galing ako sa page ng SBA at nakita ko ang link mo.
    congrats sa pagkapanalo.

    ReplyDelete

Comments and feedback are highly encouraged.

Follow by: FB, Twitter, IG

Subscription Like us on Facebook! Follow us on Twitter! Follow us on Instagram
Powered by Blogger.

Popular Posts